Wednesday, May 27, 2009

sobrang hirap...

sa totoo lang sobrang stressed na ako dahil sobrang hirap maghanap ng bahay. Sobrang hirap din maghanap ng Realtor na talagang totoong tumulong dahil lang gusto nyang tumulong. Di ko na alam ang gagawin ko. Medyo on hold pa ngayon ang pagbili ng bahay dahil sa katangahan ng aming realtor...pinull nila ang aming credit before ng 30 days so bumaba nanaman and credit score ...hay katangahan talaga ng mga tao. so ngayon, kelangan ulit namin maghintay ng 30 days bago ulit mapreapprove. my gosh...di ko alam ang gagwin ko...pero nasurprise talaga ako kasi kabaliktaran ng reaction na ineexpet ko ang naging reaction ng aking mahal na asawa. sabi lang nya...siguro hon, di pa tym para makabili tayo ng bahay. Kelangan pa siguro nating magipon ng pang down and everything. So now ok na ako...medyo stressed parin pero mas ok na ako kasi calm si kamille. Pero pag natalo ang LA Lakers ngayong gabi...lagot na dahil yun ang magiging trigger ng pagkatopak ni kamille. So good luck nalang sa lakers...sana eh manalo sila...

1 comment:

Anonymous said...

wow.. no doubt napiprito na ang utak mo, teh! Goodluck sa paghahanap ng bahay. Buti nalang nanalo ang Lakers kahapon.. :P